Patrol car vs truck: 3 patay, 7 grabe
August 22, 2006 | 12:00am
TAAL, Batangas Tatlo-katao kabilang na ang isang barangay captain ang iniulat na sinalubong ni kamatayan habang pito naman ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang patrol service vehicle ng mga biktima sa ten-wheeler truck sa kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Laguile, Taal, Batangas kamakalawa ng gabi.
Kabilang sa mga nasawi ay sina Ereneo Simeña, 55, barangay captain ng nabanggit na lugar; Lander Forio, 5; at Laurence Forio, 3, samantalang ginagamot sa Batangas Provincial Hospital at Metro Lemery Medical Hospital ang mga sugatang lulan ng barangay patrol L300 van (SFZ-409) na sina Kristine Navarro, 8; Ernesto Ojales, 41; Glonicia Reyes, Marilyn Atienza, Erenea Atienza, Arvin John Navarro at ang drayber na si Miguelito Forio, 41, na pawang mga residente ng Barangay Buli, Taal, Batangas.
Sa ulat na ipinarating ng Taal PNP kay P/Senior Supt. Edmund Zaide, provincial director, binabagtas ng nasabing patrol ang naturang highway nang masalpok nito ang lumilikong ten-wheeler truck (WTT-763) na minamaneho ng isang Joel Maala.
Sa lakas ng pagkakasalpok, tumba agad ang tatlo dahil sa tinamong grabeng pinsala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Kasalukuyan namang nakakulong sa himpilan ng pulisya sa Taal ang drayber ng truck para harapin ang kaukulang kasong isasampa. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest