Dinukot na Bombay, nasagip
August 21, 2006 | 12:00am
ECHAGUE, Isabela Tagumpay na narekober ng mga awtoridad ang negosyanteng Indian national sa kamay ng mga hindi pa nakikilalang suspek matapos na dukutin noong Huwebes ng umaga sa isang malawak na bukirin sa Brgy. Magsaysay, Cordon, Isabela.
Ang biktima na si Manjit Singh, 25, ng Brgy. Victory Norte, Santiago City-Isabela ay may apat na araw nang dinukot ng nagpakilalang immigration agents.
Ayon kay PSr. /Inps. Pilarito Malillin, hepe ng Echague police station bagamat ligtas nilang nabawi si Singh sa mga abductors, bigo naman silang mahuli ang mga suspek na hinihinalang kasapi ng kidnap for ransom gang (KFRG) dahil hindi nakipagtulungan ang mga kamag-anak ng biktima sa anti-kidnapping task force na naglatag ng isang entrapment operation.
Nabatid na nagbayad umano ang pamilya ng biktima ng ransom sa mga suspek lingid sa kaalaman ng mga awtoridad subalit hindi tinukoy kung tumawad sila sa unang kahilingan ng mga suspek na P10 million kapalit ng kalayaan ni Singh. (Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest