Hijacking: Pahinante todas
August 21, 2006 | 12:00am
TIAONG,Quezon Patay agad ang isang truck helper samantalang malubhang nasugatan ang kanyang kasamang driver matapos na pagbabarilin ng hinihinalang highway robbery gang ang kanilang delivery truck nang pumalag ang mga biktima, kamakalawa sa Bypass Road na sakop ng Barangay Lumingon ng bayang ito.
Tadtad ng tama ng bala ng kalibre .45 ang katawan ng biktimang si Crispulo Elaba Jr. 21, binata. Naka-confine naman sa Municipal Health Clinic sanhi ng tama ng bala sa mata ang driver na si Roger Fernandez, 47, kapwa ng Caloocan City.
Ayon sa imbestigasyon, dakong ala-1:15 ng madaling-araw ay minamaneho ni Fernandez ang isang ten wheeler truck (TTN-195) na kargado ng 1,020 piraso ng flexiboard na nagkakahalaga ng P200,000 at nakatakdang dalhin sa Lucena City. Habang tinatahak umano ng trak ang bypass road ay hinarang sila ng isang Toyota Tamaraw. Inutusan umano ng mga suspek na ihinto ng driver ang trak subalit sa halip na sumunod ay sinagasaan nito ang jeep. Nagpaulan ng punglo ang mga suspek sa trak na agad na ikinamatay ng pahinanteng si Elaba at ikinasugat ng driver. Bagamat sugatan ay nagawang tumalon ng driver palabas ng trak gayundin ang iba pa niyang mga pahinante na sina Eric Pelecio, 22 at Ronnie de la Cruz, 21. Hindi naman nagawang maisakatuparan ng mga suspek ang kanilang maitim na balak nang dumating ang mga elemento ng Tiaong PNP at nakatakas ang mga ito patungo sa direksyon ng San Pablo City. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest