$20 M pekeng US dollars nasamsam

Umaabot na sa Mindanao ang operasyon ng sindikatong nagpapakalat ng pekeng US dollars matapos na madakip ang isa nitong miyembro kasunod ng pagkakasamsam ng isang karton na puno ng mga pekeng dolyares na aabot sa halagang US $ 20 M kamakalawa sa Lanao del Norte.

Sa ulat ng NBI-Iligan City District Office, nadakip ang suspek na si Ben Alferez nitong nakalipas na Huwebes sa bayan ng Tubod, Lanao del Norte habang dala ang isang karton na puno ng pekeng dolyares.

Sinabi ni Iligan City Police Chief Patricio Bernales, matagal na nilang isinailalim sa surveillance operation si Alferez matapos na makatanggap ng mga impormasyon hinggil sa kahinahinalang illegal nitong aktibidad na nagresulta sa pagkakasakote sa suspek. Nabatid pa na kabilang sa nabiktima ng fake dollar syndicate ng suspek ay isang alkalde sa bayan ng Lanao del Norte at isang opisyal ng isang public school. (Danilo Garcia)

Show comments