Dengue nanalasa sa Bataan
August 16, 2006 | 12:00am
BATAAN Dahil sa patuloy na pananalasa ng dengue ay kinarit ni kamatayan ang isang siyam na taong gulang na mag-aaral, habang labing-anim na residente naman ang kasalukuyang namimiligro sa bayan ng Limay, Bataan ngayong panahon ng tag-ulan.
Kinilala ni Dr. Rosauro Somo, hepe ng Limay municipal health office ang biktimang nasawi na si Nica Dimacali ng Barangay Landing sa bayan ng Limay. Napag-alamang aabot sa 16-katao ang positibong biktima ng lamok na nagdadala ng virus ng dengue simula pa noong Hulyo hanggang sa kasalukuyan. Kabilang na rito si Dimacali na namatay noong Hulyo 29 sa Bataan General Hospital.
Sa pahayag naman ni Wilson Delfin, sanitation health officer 3 ng provincial health office na inaasahang tataas pa ang bilang ng kaso ng dengue ngayong taon kayat mahigpit nilang pinag-iingat ang publiko.
Sa talaan ng provincial health office, mula Enero hanggang Agosto 5, 2006 umaabot na sa 70 kaso ng dengue kumpara noong 2005 na 51 kaso lamang ang naitala. (Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 16 hours ago
By Cristina Timbang | 16 hours ago
By Tony Sandoval | 16 hours ago
Recommended