Trak vs bus: 8 kawal patay
August 15, 2006 | 12:00am
CAMP TIROSO DELA CRUZ, Isabela Hindi nakaporma sa kalawit ni kamatayan ang walong sundalo ng Philippine Army, samantalang walo pang iba ang nasa kritikal na kalagayan matapos na magsalpukan ang military truck at pampasaherong bus sa kahabaan ng San Mariano Highway sa Barangay Rizaluna sa bayan ng Alicia, Isabela kamakalawa ng gabi.
Kabilang sa nasawi ay nakilalang sina Sgt. Jose Bagurin, Sgt. Pedro Mejiano, Sgt. Leonardo Villegas, Pfc. Reynante Cabigunda, Pfc. Federico Grifaldo, Pfc. Edward Sarbalion, Corporal Joselito Jaluagi at Corporal Francis Mangaliman na pawang nakatalaga sa 45th Infantry Battalion na nakabase sa bayan ng San Guillermo, Isabela.
Inoobserbahan naman sa ospital ang mga sundalong sugatan na sina Pfc. Panaga, Pfc. Rommel Abedes, Pfc. Telan, Lt. Lunesa at anim na iba pa kabilang ang dalawang sibilyang sina Nenita Caulian, 62; at Felipe Lasan.
Sa ulat ni Maj. Victor Tanggawohn Jr., spokesman ng 5th Infantry Division kay Col. Larry Atendido, kagagaling lamang ng mga tropa ng 45th Infantry Battalion sa isang operasyon sa bayan ng Villa Conception at San Mariano, Isabela pabalik sa kanilang kampo nang mangyari ang trahedya.
Lumilitaw sa inisyal na ulat, tinatahak ng military truck na lulan ang mga sundalo ang kahabaan ng national highway nang masalubong ang Dagupan bus na may ABH-794 patungo naman sa hilagang bahagi.
Napag-alamang nagbigay ng signal ang military truck upang pahinaan ang ilaw ng bus, subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagsalpukan ang dalawang sasakyan na nagresulta sa pagkamatay agad ng limang sundalo na sinundan ng tatlong iba pa kahapon (Aug. 14) bandang alas-6 ng umaga sa De Veras Hospital sa Santiago City, Isabela kung saan isinugod ang walong iba pang sundalo at dalawang sibilyan na lulan ng bus. (Victor Martin At Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest