Engkuwentro: 4 utas
August 14, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Tatlong miyembro ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at isang militiaman ang nasawi habang isa namang Army Sergeant ang nasugatan matapos na magpangabot ang dalawang puwersa sa engkuwentro sa Brgy. Dungos, Tulunan, Cotabato, kamakalawa. Ang napaslang na kasapi ng Civilian Volunteers Organization (CVO) na si Torry Ullos habang ang nasugatan naman ay si Sgt. Cresencio Gundoy. Samantalang hindi pa natukoy ang pangalan ng mga nasawing miyembro ng separatistang mga rebelde. Batay sa ulat ni Armys 6th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Rodolfo Obaniana, dakong alas-4 ng hapon nang makasagupa ng mga elemento ng 25th Infantry Battalion kasama ang mga CVOs ang grupo ng MILF rebels. Kasalukuyang nagpapatrulya sa lugar ang tropa ng pamahalaan ng masabat ang armadong mga rebeldeng Muslim na nagbunsod sa palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng 30 minuto. (Joy Cantos)
CAVITE Brutal ang pagkaswi ng isang magsasaka matapos na parang isang baboy na kinatay ng isang karpintero na kaalitan nito makaraang magsalubong sa daanan kamakalawa ng gabi sa Rosario, Cavite. Kinilala ang biktima na nagtamo ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan na si Reynaldo Gayo, 39, residente ng Sitio Pugad baboy Brgy. Wakas 2, Kawit, Cavite. Mabilis namang tumakas ang suspek na si Ernesto Lanzarote, 41, karpintero at residente rin sa nabanggit na lugar dala ang patalim na ginamit nito. Batay sa imbestigasyon ni SPO3 Alfredo Loyola, may hawak ng kaso, dakong alas- 10 :30 ng maganap ang insidente, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar ng masalubong nito ang suspek. Nagkatinginan ang dalawa, dito na biglang sinugod ng suspek ang biktima at sunud-sunod na pinagsasaksak. Nabatid pa na may namagitan nang alitan sa pagitan ng mga ito at malamang na dito na nakasilip ng pagkakataon ang suspek at isinagawa ang krimen. Matapos nito ay mabilis na tumakas ang suspek, nagawa pang maisugod sa Kalayaan Hospital ang biktima ngunit namatay rin ito habang ginagamot. (Cristina Go Timbang)
CAVITE Isang security guard na pinaniniwalaang dinukot muna ng mga di kilalang kalalakihan ang pinatay at itinapon sa madamong bahagi ng Brgy. Biclatan, General Trias, Cavite kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Supt. Gregorio Evangelista hepe rito ang biktima na si Baltazar Gavito 30, binata, security guard ng Eye Security Agency at residente ng Liano Road, Barrio Liano, Novaliches, Quezon City. Batay sa imbestigasyon ni PO3 Roberto Briones, may hawak ng kaso, dakong alas-7:30 ng umaga ng itawag sa kanilang himpilan ang bangkay ng sekyu na tadtad ng saksak sa ulo at katawan. Huling nakitang buhay ang biktima noong gabi ng alas-11:00 bago ito natagpuan kinabukasan matapos na hindi magreport sa trabaho. (Cristina Go Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended