2 pulis itinumba ng mga holdaper
August 11, 2006 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Hindi nakaporma sa kalawit ni kamatayan ang dalawang operatiba ng pulisya makaraang makasagupa ng tatlong holdaper sa Barangay Uno, Calamba City, Laguna, kamakalawa ng hapon.
Base sa ulat na nakarating kay P/Chief Superintendent Prospero Noble Jr., Region 4 director mula kay P/Superintendent Rolando Bustos, hepe ng Calamba PNP, dead-on-the-spot si SPO2 Rogelio Bato ng Las Piñas City PNP, samantalang namatay habang ginagamot sa Calamba Medical Center si SPO3 Monico Gacosta ng Calamba PNP. Nakaligtas naman sa insidente si PO3 Eliazar Camiling.
Ayon sa ulat, dumating sa himpilan ng pulisya sa Calamba City sina SPO2 Bato at PO3 Camiling ng Las Piñas City PNP upang makipag-coordinate sa pina-follow-up nilang kasong hit-and-run na naganap sa Las Piñas kamakailan.
Ayon kay SPO2 Bato, nagtatago ang drayber na suspek sa Barangay 3, kaya sinamahan ni SPO3 Monico Gacosta patungo sa nasabing area bandang alas-2 ng hapon
Nabatid na habang patungo ang grupo nila SPO3 Gacosta sa Barangay 3 ay napansin nilang may nagaganap na komosyon sa isang computer shop sa may Burgos Street na sakop ng nabanggit na barangay.
Tinangkang usisain ng tatlo ang komosyon, subalit sinalubong sila ng putok ng baril mula sa tatlong holdaper na noon ay nanlilimas ng mga gamit at pera ng mga customer sa nabanggit na computer house.
Agad na nasapol sa ulo si SPO2 Bato, samantalang tinamaan naman sa tagiliran ng katawan si SPO3 Gacosta na naging sanhi din ng kanyang kamatayan habang tumakas ang mga holdaper sakay ng motorsiklo. (Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest