Shootout: 2 holdaper bulagta
August 10, 2006 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Winakasan ni kamatayan ang masamang balak ng dalawang kalalakihan holdaper makaraang mapatay sa shootout laban sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay Sta. Cruz, Antipolo City kahapon ng madaling-araw.
Kasalukuyang bineberipika ang pagkikilanlan ng dalawang napatay na nakumpiskahan ng baril, granada at motorsiklong ginagamit.
Ayon kay P/Senior Supt. Freddie Panen, Rizal provincial director, bandang alas-4:50 ng madaling-araw nang mamataan ng mga pulis ang dalawa na nakaistambay sakay ng motorsiklo sa panulukan ng Masinag Street sa kahabaan ng Marcos Highway.
Dahil sa kahina-hinalang kilos ay tinangkang lapitan ng pulisya na sakay ng mobile patrol, subalit hindi pa masyadong nakakalapit sa motorsiklo ay agad na pinaputukan ang kanilang sasakyan ng isa sa mga suspek bago mabilis na tumakas.
Hindi naman nakahabol ang mobile car kaya agad na rumadyo sa mga istasyon ng pulisya upang masukol ang dalawa.
Kaagad namang namataan ng pulisya ang dalawa na sakay ng motorsiklo na pumasok sa Blue Mountains Subdivision sa nabanggit na barangay hanggang sa masundan at makipagbarilan. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest