Kinilala ang mga nagbalik-loob sa gobyerno na sina Jovelyn Ramirez, Ronnie Arquero, Nestor Habon at Anastacio Ramirez, pawang kasapi ng Kilusang Larangan Guerilla de Lara na aktibong kumikilos sa lalawigan.
Sila ay sumuko dakong alas-12 ng tanghali sa mga elemento ng Ilocos Sur Provincial Police Office at 53rd Military Intelligence Company na nakabase sa nasabing bayan.
Ang pagsuko ng apat na rebelde ay kasunod nang pagkumbinsi sa mga ito ni Pastor Bernardo Tudlong.
Sinabi ng mga sumuko na nagdesisyon silang magbalik-loob sa gobyerno matapos na mapagtantong mali ang ideolohiyang kanilang ipinaglalaban.
Kasalukuyang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ng militar ang mga nagsisukong rebelde.
Sa ngayon, pinaigting pa ng Arroyo administration ang paglipol sa makakaliwang-grupo gaya ng NPA sa Mindanao at ibang sulok ng bansa. (Joy Cantos)