4 kritikal sa pananambang
August 6, 2006 | 12:00am
CAMP SIONGCO, Maguindanao Apat-katao na nakiangkas lang sa trak na may lulang toneladang troso ang iniulat na nasawi makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa naganap na karahasan sa North Upi, Maguindanao kahapon.
Kabilang sa mga biktimang nasa kritikal na kalagayan at ginagamot sa Cotabato Medical Center ay sina Reynerio Chua, William Ditros, Bernalyn Minted at Babylin Tiburcio. Sa ulat ni Lt. Col. Julieto Ando, civil-military relations officer ng Armys 6th Infantry Division, ang mga biktima ay umangkas sa logging truck patungo sa Barangay Rente nang tambangan ng mga armadong kalalakihan.
Ayon kay Ando, posibleng nadamay ang mga biktima sa ginawang pananambang dahil ang puntirya ay ang truck na may lulang troso na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng illegal loggers. (John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am