^

Probinsiya

Dalagita nagpalaglag, natodas

-
CAMP CRAME – Isang 15-anyos na dalagita ang nasawi matapos na puwersahang ipalaglag ng kanyang ina sa manghihilot ang 4-buwang sanggol na ipinagbubuntis nito sa Bacolod City, Negros Occidental, ayon sa ulat kahapon.

Ang biktima na itinago sa pangalang Anna ay residente ng Purok San Roque, Brgy. Tangub, ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat, binawian ng buhay ang biktima nitong Sabado dahil sa hindi mapigilang pagdurugo simula pa noong Biyernes ng hapon.

Sa imbestigasyon, nabatid ng ina ng biktima ang kalagayan ng anak na nabuntis ng isang 19-anyos nitong boyfriend kaya’t ipinatawag ang isang manghihilot na tinukoy lamang sa pangalang Maring.

Sa pahayag ng mga residente, ang ina at ama ng biktima ay hiwalay na kung saan ang ama nito ay naninirahan sa Iloilo at ang mag-ina naman ay nakatira sa Bacolod City.

Napag-alamang maliban sa paghilot sa tiyan ng biktima ay pinainom pa ito ng nasabing abortionist ng hindi pa mabatid na droga para hindi nito maramdaman ang sakit.

Gayunpaman, hindi nakayanan ng dalagita ang matinding sakit sa paghilab ng apat-na-buwang sanggol sa kanyang sinapupunan kung saan ay hindi maampat ang pagdurugo nito hanggang sa kalawitin ni kamatayan.

Sa matinding takot ng ina ng biktima, ayon sa mga kapitbahay ay tumakas ito at ngayo’y pinaghahanap ng mga awtoridad.

Lumilitaw naman sa autopsy report na ang biktima ay nasawi sa "dehydration" matapos na hindi makayanan ng katawan nito ang hindi maampat na pagdurugo.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa manghihilot at ina ng biktima na responsable sa malagim na insidente. (Joy Cantos)

vuukle comment

BACOLOD CITY

BATAY

BIKTIMA

BIYERNES

BRGY

GAYUNPAMAN

JOY CANTOS

NEGROS OCCIDENTAL

PUROK SAN ROQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with