P300-M ephedrine nasamsam
August 5, 2006 | 12:00am
BOCAUE Umaabot sa P300-milyong ephedrine na pinaniniwalaang isa sa sangkap ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng PNP-Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Force (PNP-AID-SOTF) makaraang salakayin ang isang townhouse na nirentahan ng mga Tsino sa Barangay Turo, Bocaue, Bulacan kahapon.
Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Petrita Bragada Dime ng Malolos City Regional Trial Court Branch 14, ni-raid ng mga awtoridad ang naturang lugar dakong alauna ng hapon.
Sa ulat ni P/Supt Manaranay Lopez, police chief ng Bocaue kay Director Marcelo Ele Jr., hepe ng PNP-AID-SOTF, nakasamsam ang mga operatiba ng 100 kilo ng ephedrine na nagkakahalaga P 300 milyon at maaaring makapagprodyus ng 100 kilo ng shabu na aabot sa P6 milyon ang street value.
Napag-alamang sumailalim sa surveillance operations ang nabanggit na bodega sa tulong na rin ng ilang residente dahil sa presensya ng mga Tsinong kalalakihan.
Matapos na makumpirma na may mga kemikal na ipinapasok sa naturang bodega ay agad na bumuo ng pangkat ang pulisya hanggang isagawa ang pagsalakay, subalit nakatakas naman ang henchmen ng Cheng Hsiang Ting Group na sangkot sa drug trafficking.
Ayon kay Ele, ang nabanggit na grupo na pinamumunuan ni Chuang Fen-Ming, alyas "Jacky Chuan," ay wanted person sa Taiwan dahil sa pagkakasangkot sa illegal drug trade.
Si Jacky Chuan ay pinaniniwalaang responsable sa pagtatayo ng mini-ketamine laboratory sa condo unit sa Burgundy Towers sa Malate, Manila noong Hulyo 6, 2005 na nadiskubre matapos na masunog ang naturang condo. (Dino Balabo at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest