Anak ng presidente kinidnap

CAMP CRAME – Dinukot ng dalawang maskaradong lalaking sakay ng motorsiklo ang estudyanteng babae na anak ng presidente ng isang sikat na unibersidad sa Zamboanga City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Supt. Jaime Caringal, regional director ng Police Regional Office (PRO) 9 ang biktimang si Grace Gonzales, 4th year sa High School Department ng Western Mindanao State University (WMSU) at anak ni Dr. Edilgario Gonzales, presidente ng nasabing unibersidad.

Sa imbestigasyon, nabatid na ang biktima ay kinidnap sa harapan ng kanilang tahanan sa Aurora Subdivision, Tumago, Zamboanga City dakong alas-9:30 ng gabi.

Ayon sa pahayag ng ilang testigo, bigla na lamang sinunggaban ang biktima at sapilitang pinasakay sa motorsiklo habang nakatutok ang baril.

Sa kasalukuyan ayon sa opisyal ay nagsasagawa na sila ng follow-up operations. (Joy Cantos)

Show comments