2 mister niratrat, patay
July 31, 2006 | 12:00am
CAVITE Dead-on-the-spot ang dalawang mister habang sugatan naman ang isa pa matapos na pagbabarilin ng umanoy pinagbentahan ng mga manok na panabong kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Balite, 1st Silang, ng lalawigan
Sa ulat ni P/Supt. Mario Marasigan, hepe rito, kinilala ang mga nasawi na sina Benito Villapando, 37, jeepney driver, tubong Laguna at Onofre Emaas, 56, tubong Sorsogon.
Sugatan naman ang isa pang biktima na si Junior Doginog, 40, tubong Calbayog Samar, pawang may-asawa at residente ng Balite 1st ng bayang nabanggit.
Mabilis namang tumakas ang suspek kasama ang dalawang bodyguard na nagsilbing look-out sa krimen sa tapat ng bahay ng mga biktima.
Batay sa imbestigasyon, ganap na alas-3:20 ng madaling-araw ay nakabantay na umano ang tatlong suspek sa di kalayuan sa bahay ng mga biktima. Ang isa ay lumapit sa bahay habang pumuwesto sa labas ang dalawang look-out na may dalang hand held radio.
Nang dumating si Villapando galing sa pamamasada ay nadatnan nito ang dalawa pang biktima sa kanyang bahay.
Agad na lumapit ang mga suspek at kinompronta ang mga biktima dahil sa kapalpakan ng mga manok na panabong na ibinebenta ng mga ito sa kanila. Nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa pinagbabaril ang mga ito. (Cristina Go Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended