P3-M ari-arian naabo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Aabot sa P 3-milyong ari-arian ang naabo makaraang masunog ang Polangui North Central School habang nasugatan naman ang isang bombero sa Barangay Centro Occidental sa bayan ng Polangui, Albay kahapon ng madaling-araw. Nagsimulang kumalat ang apoy bandang alas-12:15 ng madaling-araw matapos na mag-overload ang boltahe ng kuryente sa isang silid-aralan. Naapula naman ang apoy ganap na alas-12:45 ng madaling-araw dahil sa maagap na responde ng mga pamatay-sunog habang ginagamot naman ang nasugatang si SFO1 Glen Rodrigueza. Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang tunay na pinagmulan ng apoy. (Ed Casulla)

Show comments