^

Probinsiya

Trader binaril habang nakikipag-inuman

-
IBA, ZAMBALES – Isang 27-anyos na trader ng mga gulay ang binaril at napatay ng nag-iisang suspek sa Barangay Zone I, Iba, Zambales, habang ang biktima umano’y masayang nakikipag-inuman sa mga kaibigan at kasamahang negosyante kamakalawa ng gabi. Ang biktima ay Si Ricky Miclat alyas "Nonoy", ng Libaba Zone I, Iba. Nakikipag-inuman umano ang biktima kina Gerry Francisco, 22; Jonathan Ledina, 25 at Julius Goco, bandang alas-9 ng gabi nang biglang lumitaw ang nag-iisang suspek at agad na pinaulanan ng bala ang biktima mula sa isang kalibre 45. Tinamaan ang biktima ng isang bala sa tagiliran na siya niyang agarang ikinamatay at mabilis na tumakas ang ’di-kilalang suspek sakay ng isang motorsiklong walang plaka matapos ang krimen. (Fred Lovino)
Doktor sinampahan ng attempted murder
Isang doktor ang nahaharap sa kasong attempted murder matapos na sampahan ng isang 63-anyos. Kinasuhan sa Surigao del Sur Prosecutor’s Office ni Nenito "Basilan" Roy ng Cantilan town, si Dr. Isidro Olan, ng Madrid, nasabi ring lalawigan. Ayon kay Basilan, naganap ang insidente noong Hunyo 8, 2006 nang tutukan umano siya ng baril kasama ang anak na si Rene Boy at pamangking si Avelina Baculi ng suspek. Papunta umano ang mga biktima sa bahay ni Tata Roy, live-in partner ni Avelina sa Brgy. Sitio, Gabang para silipin ang sitwasyon ng bahay at lote na isinangla kay Dr. Olan subali’t hindi pa sila nakakapasok sa loob ng bakuran ay agad umano silang tinutukan ng baril ng doktor.

vuukle comment

AVELINA BACULI

BARANGAY ZONE I

BASILAN

DR. ISIDRO OLAN

DR. OLAN

FRED LOVINO

GERRY FRANCISCO

ISANG

JONATHAN LEDINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with