Ayon sa samahan ng mga clergy sa nabanggit na lungsod na nagpatago ng kanilang mga pangalan, nakapagtataka na sa kabila ng sinasabi ng Piruette Corporation, ang kumpanya na may hawak ng prangkisa ng STL sa Quezon na hindi pa fully blast ang kanilang operasyon ay maraming mga bet collectors ang nakikitang pagala-gala at may hawak na dalawang klase ng lastillas.
Ang lastillas na hawak ng mga kubrador ay may tatak ng PCSO habang ang isa ay pad paper na may kadobleng carbon na ito ang sinasabing isinusumite sa bookies na nagbabayad naman ng porsiyento sa legal na operasyon ng STL.
Wala namang magawang aksyon ang lokal na pulisya na arestuhin ang mga kubrador na nagpapataya ng bookies dahil kapag sinisita sila ng kapulisan ay sinasabi nilang legal ang ginagawa alinsunod sa kanilang mga suot na ID na inisyu ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Kamakailan ay umalma ang Sangguniang Panlalawigan ng Quezon dahil hindi maliwanag sa kanila kung paano nabibigyan ng share ng STL ang lokal na pamahalaan. (Tony Sandoval)