Sa inisyal na ulat ni PO2 Allan Ray Bulandres na isinumite kay P/Chief Supt. Silverio Alarcio, provincial director, karamihang biktima na magsasaka ay lulan ng trak na pag-aari ng nabanggit na bayan mula sa Barangay Bagtic patungong pampublikong palengke para maglako ng kanilang inaning gulay.
Napag-alamang ganap na alas-3:45 ng madaling-araw nang mawalan ng preno ang trak kaya nagtuluy-tuloy sa malalim na bangin na nagresulta sa pagkasawi ng mga biktima.
Ang drayber na si Burdik Nenoy ay nakaligtas at kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya sa munisipalidad ng La Libertad.
Nabatid na ang trak ay bahagi ng proyekto ni Mayor Jocelyn Lim-Kaichong na nagbibigay ng serbisyong libreng sakay sa mga magsasakang nagbebenta ng kanilang inaning pananim sa kabayanan tuwing Huwebes.