Pag-aalboroto ng Mayon, patuloy
July 17, 2006 | 12:00am
LEGAZPI CITY Patuloy ang ipinapakitang pag-aalboroto ng bulkang mayon nitong mga nakalipas na araw at patuloy naman ang isinasagawang pagmamatyag ng Philvolcs (Philippine Institute of Volcanology and Seismology) sa aktibidad nito.
Nakataas na rin sa Alert Level 3 ang bulkan at patuloy na ipinapairal ang 6 kilometer permanent danger zone sa lugar sa paligid at isang kilometro na dagdag sa southeast quadrant ng bulkan na kung saan matatagpuan ang Bonga Gully na siyang dinadaanan ng iniluluwal ng bulkan na lava.
Hinihintay ng mga tauhan ng Philvolcs ang mga indikasyon na may magkakasunod na step ang una ay ang Lava trickle, ikalawa ang Lava flow, ang ikatlo ay ang Lava fountaining at ang pangapat ay ang eruption stage na kung saan maari ng itaas ng Philvolcs ang alert level ng bulkan.
Sa loob ng 24 na oras na pagmamatyag ng mga kinauukulan, patuloy ang paglabas ng lava sa bunganga ng bulkan at ito ay ibinababa hanggang sa paanan nito.
Maging ang Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC) sa pamumuno ni Cedric Daep ay patuloy na naghahanda at inaalam na ang mga pangangailangan ng mga munisipyo at mga barangay para sa paglilikas sakaling sumabog ang bulkan.
Pinaghahanda na ng pamahalaan ang mga residenteng malapit sa Mayon volcano sa Albay sa paglilikas dahil sa patuloy na pag-agos ng lava.
Ayon kay Office of Civil Defense administrator Glenn Rabonza, naka-standby na ang PDCC at iba pang rescue team para tumulong sa paglilikas sa may 1,484 pamilya o 7,476 katao na naninirahan malapit sa bulkan. (Joy Cantos/Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 3 hours ago
By Cristina Timbang | 3 hours ago
By Tony Sandoval | 3 hours ago
Recommended