^

Probinsiya

Army official nilikida ng NPA

-
CALUMPIT, Bulacan – Isang mataas na opisyal ng Philippine Army sa Bulacan ang binaril at napatay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bayang ito kahapon habang kinukumpuni ang kanyang kotse.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si 1Lt. Paul Fortuni ng 56th Infantry Battalion na nakabase sa bayan ng Norzagaray.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakitulog si Fortuni sa bahay ng kanyang kasintahan sa Brgy. Sucol ng bayang ito noong Sabado ng gabi. Paggising niya kahapon ng umaga napansin niyang flat o dumapa ang gulong ng kanyang kotse kaya’t nagpasya siyang kumpunihin iyon. Habang binabaklas ng sundalo ang gulong, apat na lalaki ang lumapit sa kanya at walang sabi-sabing pinaputukan siya na ikinamatay ng sundalo noon din.

Ayon sa mga saksi, tumakas ang mga salarin patungo sa ilog ng Calumpit kung saan ay sumakay ang mga ito sa isang bangkang de motor.

Sinabi rin ng mga saksi na matapos patayin ang sundalo, sumigaw pa umano ang mga suspek na "Mga NPA kami."

Kaugnay nito, nagpahayag nang pangamba ang mga residente ng mga coastal town sa lalawigan sa posibilidad ng maigting na kampanya ng militar laban sa mga rebelde dahil sa pagpatay kay Fortuni. (Dino Balabo/Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

BULACAN

DINO BALABO

FORTUNI

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

PAUL FORTUNI

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with