Killer ferris wheel: 2 natusta
July 15, 2006 | 12:00am
QUEZON Animoy nilitsong baboy ang katawan ng dalawang sibilyan habang siyam naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang sumabit sa high tension wire ang umiikot na ferris wheel sa idaraos na piyesta sa Sitio Pitong Gatang, Barangay Lusacan, Tiaong, Quezon, kamakalawa ng umaga.
Dahil sa lakas ng boltaheng pumasok sa katawan ay natusta ang mga biktimang sina Annaliza Marasigan, 39 at ang ferris wheel operator na si Reynante Sabili.
Ginagamot naman sa Quezon Medical Center sa Lucena City, Laguna Provincial Hospital at Philippine General Hospital sa Maynila, ang siyam na sina Mark Marasigan, 11; John Mark Manalo, 31; John Paul Lozano, 13; Mylene Pandala, 34, pawang mga residente ng Barangay Lusacan; JV Lusing, 20, ng San Pablo City; Richard Tigcal ng Naic, Cavite; Diego Arandia, 31, ng Rizal, Laguna; Rigon Gaycon, 18; at Patrick Zaragoza, 18, kapwa residente ng Paete, Laguna at pawang mga peryante.
Sa imbestigasyon ni PO1 Ramil Rodriguez, pinaandar ni Sabili ang ferris wheel nang sumabit ang isang bahagi nito sa nakalaylay na high tension live wire.
Naputol ang kable ng kuryente at bumagsak sa lupa na may tubig kung saan nagmistulang mga nakuryenteng isda ang mga biktima na agad ikinasawi nina Sabili at Marasigan na tiyempong naglalaba sa labas ng kanilang bahay.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang pangalan ng operator ng peryahan upang papanagutin sa naturang insidente. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest