Kinilala ni 1st Lt. Edgardo Taloroc, ang mga kalansay na nahukay sa mass grave na sina Sernico Bagongon, Demo Alba, Junior Ademo, Junior Da-ao, Junior Mala, Wilson Sagahay at tatlong nakilala lamang sa alyas Blas, Plas at Nelson.
Naniniwala si Taloroc na inilibing ang mga biktima na dalawa sa isang hukay at kasalukuyang hinahanap pa ang eksaktong lugar ng mass grave kung saan pinaglibingan ng 11 pa na naging biktima ng summary execution ng mga rebelde.
Malaki ang paniniwala ng militar na ang mga kalansay na nahukay sa mass grave ay mga rebeldeng kabilang sa Front Committee 4B, North Central Mindanao regional command sa ilalim ni Vicente Libona na nag-ooperate sa mga bayan ng Balingasag, Lagonglong at Salay hanggang sa Talisayan at Gingoog City. (Mike Baños)