2 guro, 1 bata sapilitang pinatalon sa dagat, natodas
July 13, 2006 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Masaklap na kamatayan ang sinapit ng dalawang guro ng pampublikong paaralan at isang paslit dahil sa sapilitan silang pinatalon sa gitna ng dagat na sakop ng coastal village ng Arena Blanco ng dalawang notoryus na kriminal na nang-hijack ng kanilang pumpboat noong Miyerkules ng hapon.
Ang mga biktimang idineklarang patay sa pinagdalhang ospital ay nakilalang sina Rasita Rosales, 43; anak nitong si Kandejar Kamsain Rosales; at Anisah Gapur Bensala, 25, na pawang gruo sa Pangapuyan Elementary School sa bayan ng Pangapuyan.
Kinilala naman ni P/Senior Inspector Hado Edding, police chief sa bayan ng Tetuan, ang mga suspek na sina Arasad Ambutong at isang alyas "Angkong, na una nang nakatakas sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya gamit ang isang bangka bago pa kinumander ang pumpboat ng mga biktima.
Napag-alamang naubusan ng gasolina ang bangka ng mga suspek sa gitna ng dagat, subalit namataan ang dumaraang pumpboat ng mga biktimang patungo sana sa nabanggit na coastal village kaya nagawang sumignal ng saklolo ang dalawang kriminal.
"Dahil sa pag-aakala siguro ng mga biktima na hindi masamang tao ang sumisignal ng saklolo ay agad nilang nilapitan, subalit agad silang tinutukan ng baril at sapilitang pinatalon sa gitna ng dagat," pahayag ni Edding.
Ayon pa kay Edding, isa sa kasamang kriminal nina Ambutong at Angkong na notoryus dug pusher, gun-for-hire at miyembro ng malaking sindikato ng kidnapping ay nasakote
Ang mga biktima ay natagpuang nakalutang sa dagat, subalit pinilit pa ring dalhin sa ospital pero idineklarang patay. (Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 12 hours ago
By Victor Martin | 12 hours ago
By Omar Padilla | 12 hours ago
Recommended