Illegal recruiter nalaglag
July 10, 2006 | 12:00am
BAGUIO CITY Makalipas ang anim na taong pagtatago matapos na makapang-biktima ng tatlong aplikanteng nagnanais na makapagtrabaho sa ibang bansa, nalambat na rin ng pulisya ang responsableng illegal recruiter sa kanyang bahay sa Barangay Pacdal, siyudad na ito.
Hindi na nakapalag ang suspek na si Jessica Nudo, 39, alyas Erika de Torres at Erika Bautista, ng Maria Basa, Pacdal, Baguio City nang biglang sumugod sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group-Cordillera, ang tatlo sa nabiktima nito kasunod ng pagkakaaresto sa una.
Ayon kay Senior Supt. Marvin Bolabola, nadakip si Nudo dakong alas-4:00 ng hapon noong Sabado, nang matiyempuhan ito sa kanyang bahay ni SPO2 Ernesto de Guia, dala ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Edilberto Claravall ng Branch 60 ng Regional Trial Court, Baguio City, sa kasong 3 counts of estafa. (Artemio A. Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 16 hours ago
By Cristina Timbang | 16 hours ago
By Tony Sandoval | 16 hours ago
Recommended