Prexy ng militanteng grupo itinumba
July 8, 2006 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Dahil sa deklarasyon ng gobyerno na all-out war laban sa komunistang grupo ay unti-unting inuubos ang mga militante makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang lalaki ang tumatayong presidente at chairman ng militanteng grupo sa naganap na pananambang sa bahagi ng Esperas Avenue, Tacloban City, Leyte kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Chief Supt. Eliseo de la Paz, regional director, ang pinaslang na biktima na si Paquito "Pax" Diaz, 44, chairman ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) sa Eastern Visayas.
Si Diaz ay co-chairperson ng Alyansang Makabayan at dating DAR municipal agrarian reform officer sa bayan ng Isabela, Leyte, subalit sinibak sa puwesto dahil sa Absent Without Official Leave (AWOL)
Bandang alas-7 ng gabi nang lapitan ng motorcycle-riding assassin at pagbabarilin ang biktima sa harapan ng sariling bahay sa Barangay Magallanes ng nabanggit na lungsod, ayon kay de la Paz.
"He was supposed to attend a meeting and he was waiting for his companions outside his house when the gunmen aboard a motorcycle stopped and shot him at close range," dagdag pa ni de la Paz sa phone interview.
Naisugod pa sa Bethany Memorial Hospital ang biktima, subalit binawian din ng buhay dahil sa dalawang tama ng bala ng baril sa kaliwang mata at dibdib.
Bago naganap ang krimen, ay nakatanggap ng pagbabanta sa buhay ang biktima mula sa hindi nagpakilalang grupo na may matinding galit.
Sa kasalukuyan, ayon kay de la Paz ay nakikipagkoordinasyon na ang kaniyang mga tauhan sa pamilya ng biktima upang alamin ang motibo ng krimen, habang bumuo naman ng "Task Force Diaz" si P/Supt. Anacleto Limbo na tutugis sa mga killer.
Simula noong Oktubre 2004 hanggang sa kasalukuyan, si Diaz ay ika-24 na militanteng lider sa nabanggit na rehiyon ang napapaslang, samantalang umaabot na sa 696 na miyembro ng militanteng grupo ang pinaslang simula noong 2001 sa pag-upo sa puwesto ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest