Trader itinumba sa harap ng anak
July 6, 2006 | 12:00am
BATAAN Muli na naman sumalakay ang sugo ng kadiliman makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang 44-anyos na trader ng tatlong armadong kalalakihan sa patuloy na karahasan sa Barangay Palili, Samal, Bataan, kamakalawa ng umaga.
Sapol sa ulo at dibdib ang biktimang si Rolando Pelagio matapos na ratratin ng tatlong kalalakihan, samantalang nakatulala naman ang kanyang anak na si Theresa, 18, Nursing student sa Softnet College sa Balanga City matapos na masaksihan ang brutal na krimen.
Ayon kay P/Insp. Abner Baldonado, police chief sa bayan ng Samal, sakay ng pulang Toyota Corolla (TLX 347) ang biktima kasama ang kanyang anak na papasok sa nabanggit na kolehiyo nang harangin ng mga armadong kalalakihan bago isagawa ang pamamaslang.
Napag-alamang tinangay ng mga killer ang cell phone at mga gamit sa paaralan ng dalaga para palabasing pagnanakaw ang motibo ng krimen.
Pinaniniwalaan naman ng mga awtoridad na may kaugnayan sa lupang pag-aari ng biktima na pinipilit na bilhin, subalit nag mamatigas ang trader. (Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 16 hours ago
By Cristina Timbang | 16 hours ago
By Tony Sandoval | 16 hours ago
Recommended