4 patay sa road mishap
July 2, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Apat-katao kabilang ang isang barangay captain ang iniulat na namatay habang lima pang iba ang malubhang nasugatan sa banggaan ng van at trak sa kahabaan ng highway na sakop ng Brgy. Mipangi, Nabunturan, Compostela Valley kamakalawa. Kabilang sa mga nasawi sina Roland Berioso, 55; Raymundo Castillo, 65, barangay captain; Nestor Baliguat, 51, ng Purok 5, Poblacion Compostela, at Pelipe Pepito, 65, ng Centennial Bagongon. Sugatan naman sina Mary at Joan Tanotan, Catherine Tagalog, Edwin Diamante at iba pang hindi pa nakikilala. Batay sa ulat ng pulisya, naitala ang sakuna dakong alas-2 ng hapon matapos na magsalpukan ang Toyota Lite Ace (LMC-826) at ang kasalubong na trak. (Angie Dela Cruz)
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Maagang sinalubong ni kamatayan ang dalawang magsasaka na pinaniniwalaang mga tiktik ng military makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New Peoples Army sa Barangay Iraya, Buhi, Camarines Sur. Napuruhan sa ulo ang mga biktimang sina Antonio Arines at Lorenzo Competente na kapwa nakaupo sa gilid ng highway nang lapitan ng mga rebelde at paslangin. Napag-alamang isa sa mga rebelde ay nakilalang si Junior Onsay ng Sitio Mayharing sa Barangay Mercedez sa bayan ng Tiwi, Albay. Ayon sa mga nakasaksi na palakad na lumayo ang mga rebelde na animoy walang nangyari matapos ang krimen. (Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest