3 holdaper tumba sa barilan
June 28, 2006 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang responsable sa serye ng holdapan sa mga gasolinahan sa Batangas ang napatay ng pulisya makaraang makipagbarilan sa isang checkpoint sa Barangay Cawit, Taal, Batangas, kamakalawa.
Kinilala ni P/Senior Inspector Virgilio Manimtim, hepe ng Taal PNP, ang mga napatay na sina Jayson Macalalad, 21; Crisanto Lagda, 35, kapwa residente ng Barangay Magabe, Balayan, Batangas at isang lalaki na nakilala lamang na "Larry".
Ayon sa ulat, bandang alas-9:30 ng gabi habang nagbabantay sa checkpoint ang mga pulis sa Barangay Mahabang Ludlod nang parahin ang motorsiklong pinagsasakyan ng tatlo sa nabanggit na barangay.
Imbes na tumigil, biglang pinaharurot ng tatlo ang motorsiklo hanggang sa habulin ng mga pulis at nauwi sa ilang minutong barilan kay bumulagta ang mga suspek.
Ang tatlong suspek ay kinilala ng mga gasoline boy ng Flying V at BM Gasoline Station sa bayan ng Taal, Sea Oil sa bayan ng San Luis at Petron sa bayan ng Bauan na nangholdap sa kanila sa ibat ibang pagkakataon.
Narekober sa mga suspek ang dalawang baril at motorsiklo na ginamit sa kanilang modus operandi. (Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest