Kabilang sa mga nasawing biktima ay sina Jun Hernandez, 26, ng Malate, Manila; Basil Gamotin, 22, ng #232 Wild Cat Village, Fort Bonifacio, Makati City; Randolf Mercado, 24, ng #831 Coral Street, Dagupan, Tondo, Manila; Henry Buagayan, 32, ng #2017 Undo Street, Malate, Manila; Mark Arian Matias, 23, ng Saballa Street, Tondo, Manila; at Patrick Cidro, 24, ng Block 9, Lot 14, Rizal St., Avella Compound, Mandaluyong City.
Samantala, nasagip naman at ginagamot sa James Gordon Memorial Hospital ang tatlong seminaristang sina Valerie Paredes, 22; Nilo Rama, 24; at Dennis Cantonia, 24, pawang nakatira sa Malate, Manila.
Ayon kay P/Supt. Hernando Zafra, provincial director, ang mga biktima ay mga miyembro ng "Kapisanan ng mga Kabataan Tungo sa Kaunlaran" na pinamumunuan ni Cesar Manalo sa ilalim ng "Ang Dating Daan" ni Bro. Ely Soriano.
Napag-alaman ang mga biktima ay dumating sa Morning Star Beach resort noong Lunes ng umaga para mag-seminar at binalaan ng mga staff ng nabanggit na resort sa paliligo dahil sa higanteng alon na epekto pa rin ng Bagyong "Domeng".
Gayon pa man, magkakasamang naligo sa dagat ang mga biktima at binalewala ang babala ng mga staff ng nasabing beach resort hanggang sa maganap ang trahedya.
Ayon sa ulat, bandang alas-4 ng madaling-araw kahapon nang matagpuang nakalutang sa bahagi ng Coral View Beach Resort, ang limang bangkay ng biktima, samantalang ang ika--anim na biktima ay unang natagpuan noong Lunes ng hapon. (Jonie Capalaran at may dagdag ulat nina Danilo Garcia at Joy Cantos)