41 bomba narekober
June 25, 2006 | 12:00am
BATANGAS Umaabot sa apatnaput-isang bala ng mortar ang narekober ng mga elemento ng Philippine Air Force Batangas Provincial Police Office at Tanauan PNP sa isang abandonadong kubo sa Tanauan City noong Miyekules ng hapon, ayon sa ulat kahapon.
Sa pahayag ni Major Augusto Dela Peña, Public Information Officer ng PAF, nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad sa pangunguna ng 740th Combat Group ng PAF at Batangas police ng makatanggap sila ng impormasyon mula sa mga residente ng Barangay Banjo East na may nakatagong bomba sa nasabing kubo. Bandang alas-3 ng hapon nang lusubin ang abandonadong kubo at masabat ang 41 bala para sa 81 at 60 millimeter mortar na nakabalot sa tatlong sako ng bigas. Ang mga bomba ay dinala na sa Fernando Airbase Bomb Disposal Unit for safekeeping. (Arnell Ozaeta/Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended