P20 -M ransom sa kinidnap na trader
June 23, 2006 | 12:00am
BATANGAS CITY Aabot sa P20-milyong ransom ang napaulat na hinihingi ng mga kidnaper ng mayamang negosyanteng si Presioso Macatangay na dinukot noong Lunes ng madaling-araw sa San Pascual Sports Complex sakay ng kanyang kulay maroon na Toyota Hi-Lux pick up na may plakang VDR818. Hindi naman kinumpirma ni P/Chief Inspector Danilo Morzo, hepe ng Batangas Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang nasabing impormasyon dahil tumatangging makipagtulungan ang pamilya ng biktima. Kasalukuyan pa ring blangko ang mga awtoridad sa kaso ni Macatangay na may-ari ng Macro Lodge, Macsor Hotel at Maphet Wine House sa Batangas City. (Arnell Ozaeta)
CAMP CRAME Niyanig ng lindol ang lalawigan ng Masbate at Sorsogon kahapon ng umaga, ayon sa ulat ng Phivolcs. Umabot sa 3.2 magnitude ang lakas ng lindol at namonitor sa hilagang silangan ng Masbate habang ang intensity 2 ng lindol ay naramdaman naman sa bayan ng Casiguran at Irosin na pawang sakop ng Sorsogon. Wala namang naiulat na naging pinsala sa naganap na lindol at kanugnog na bahagi kapag nag-aalburuto ang bulkan. (Joy Cantos)
CAVITE Upang malusutan ang matinding problemang pangkabuhayan ay nagdesisyon ang isang 76-anyos na lolo na magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Niog 2 sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa. Ang bangkay ng biktima na natagpuan ng kanyang apo na nakabitin sa hagdanan ay nakilalang si Bienvenido Bobles ng Block 28 Lot 12 ng nabanggit na barangay. Ayon sa pulisya, ang biktima ay nag-iwan ng tagubilin sa mga kaanak na alagaan ang kanyang mga apo. Patuloy naman ang pagsisiyasat ng pulisya sa naganap na insidente. (Cristina Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 2 hours ago
By Cristina Timbang | 2 hours ago
By Tony Sandoval | 2 hours ago
Recommended