Mistulang mga uling nang matagpuan ang bangkay ni Lola Lydia Guab at ang kanyang tatlong apo na sina Jeffrey, 6; Nicole, 4; at Vincent Hinton, 2.
Bandang alas-4 na ng hapon nang ipagbigay-alam ng isang barangay tanod sa mga awtoridad ang nangyari.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni SFO1 Leonardo del Mundo, dakong alas-12:30 ng tanghali nang matulog ang tatlong paslit sa bahay-kubo na gawa sa kayakas ng niyog at kugon matapos mananghalian.
Napag-alamang nagluto ng kamoteng kahoy ang matanda at lumabas ng kubo upang kumuha ng karagdagang panggatong.
Wala pang tatlong minutong nangunguha ng panggatong ay namataan ng matanda na nasusunog ang kanilang kubo kung kayat bumalik ito at hindi na nagawang makalabas dahil sa laki ng apoy kaya kasama siyang natusta at ang tatlong paslit na apo.
May teorya ang pulisya na nadarang sa init ng kalan ang dingding na gawa sa niyog kaya agad na nagliyab saka kumalat ang apoy sa buong kabahayan.