Resort owner sa Boracay, nilikida

CAMP CRAME — Naging palaisipan sa pulisya ang pagkamatay ng isang resort owner makaraan matagpuang may saksak sa dibdib na naliligo ng dugo sa loob mismo ng pag-aaring Bamboo Resort sa Boracay Island, Malay, Aklan kahapon ng umaga. Ang biktimang si Aracelli Villanueva-Hug na asawa ng isang Swiss national ay nasawi sanhi ng pagkaubos ng dugo at malalim na sugat, ayon kay P/Supt. Jess Mendez, police chief ng Boracay. Walang nakitang anumang indikasyon ng puwersahang pagpasok sa bahay ng biktima na nasa loob ng nasabing compound at posibleng personal na kakilala ng biktima ang killer. (Joy Cantos)

Show comments