^

Probinsiya

3 tumba sa madugong bakbakan

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Matapos ideklara ni Pangulong Arroyo na durugin ang maka-Kaliwang Kilusan ay naganap naman ang madugong bakbakan na ikinasawi ng dalawang rebeldeng New People’s Army at isang Scout Ranger sa liblib na bahagi ng Barangay Monte Calbario sa bayan ng Buhi, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Kinilala ni Major Jose Broso, Public Information Officer ng Philippine Army-Southern Luzon Command, ang napatay na sundalo na si Private First Class Joel Arquerro ng 9th Scout Ranger Company, 3rd Scout Ranger Battalion ng Philippine Army sa Bicol region.

Bineberipika pa ang pagkikilanlan ng dalawang rebelde na miyembro ng Bicol Regional Party Committee ng New People’s Army na nagkukuta sa Camarines Sur.

Ayon kay Broso, bandang alas-5:10 ng umaga nang nakatanggap ng impormasyon ang militar mula sa mga residente ng Barangay Monte Calbario sa bayan ng Buhi na may limang armadong kalalakihan ang umaaligid sa kanilang lugar.

Agad naman na ipinag-utos ni Scout Ranger Battalion Commander Lt. Col. Macairog Alberto, na suyurin ang nabanggit na barangay sa pangunguna ni 1Lt. Antonio Timbal hanggang sa sumiklab ang madugong bakbakan.

Tumagal ng ilang minuto ang putukan hanggang tumumba ang dalawang rebelde at si Pfc. Arquerro habang nagsitakas naman ang tatlo pang rebelde na pinaniniwalaang sugatan sa kalapit na Barangay San Raphael at tinutugis na rin ng mga sundalo.

Narekober ang dalawang M16 Armalite rifle, dalawang rifle grenades, dalawang granada, dalawang bandoliers, isang pirasong-two way radio, siyam na pirasong M16 magazines, tatlong backpacks na may lamang personal belongings at mga subersibong dokumento.

Ayon pa kay Broso, makakatanggap ang mga anak ni Pfc. Arquerro ng full high school at college scholarship program sa ilalim ng programang Armed Forces of the Philippines Educational Benefit System na ipinagkakaloob sa mga pamilya ng napapatay na sundalo habang nasa duty. (Ed Casulla At Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ANTONIO TIMBAL

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES EDUCATIONAL BENEFIT SYSTEM

ARQUERRO

AYON

BARANGAY MONTE CALBARIO

BARANGAY SAN RAPHAEL

BICOL REGIONAL PARTY COMMITTEE

BROSO

CAMARINES SUR

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with