Bata sinalvage ng kapwa bata
June 17, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Nagiging menor-de-edad ang mga kriminal sa kasalukuyang panahon makaraang pagtulungang gulpihin, kuryentihin ay isinako at itinapon sa ilog ang 11-anyos na batang napagbintangang nagnakaw ng barya sa naganap na karahasang isinagawa ng mga bata sa bayan ng Asturias, Cebu, ayon sa ulat kahapon.
Kasalukuyang pinaghahanap ang katawan ng biktimang si Al "Busyok" Quirante Miamo, na pinangangambahang kinalawit na ni kamatayan dahil sa malakas na agos sa Ginabasan River patungo sa dagat.
Ayon sa pulisya, ang biktima ay inakusahang nagnakaw ng P70.00 ng isang 17-anyos na tinukoy sa pangalang Romeo na kasama nitong nagtatrabaho sa isang woodcraft shop sa Barangay New Bago, Asturias.
Sa isinumiteng ulat ng Cebu Provincial Police Office, naitala ang insidente pasado alas-10 ng umaga sa isang woodcraft shop sa nabanggit na barangay.
Napag-alamang si Romeo at ilan pa nitong kaibigang bata ang itinuro ng mga testigo na siyang nagpahirap kay "Busyok" na di pa nakuntento ay kinuryente, nilagyan pa ng putik sa mukha at isinako ang biktima saka itinapon sa ilog.
Ayon sa mga testigo, nagalit ang suspek kay Miano dahil tatlong beses na itong nananakawan ng itinatago niyang pera sa loob ng isang linggo at ang biktima ang tinukoy nito, subalit mariin namang itinanggi ng huli.
Nabatid na walang ibang trabahador sa nabanggit na shop nang maganap ang krimen kundi ang mga batang nagtatrabaho at walang nagawa matapos tutukan ng patalim ng suspek na sila ang isusunod kapag nakialam sa pagpapahirap sa biktima.
Isinalaysay pa ng mga testigo na pinakakanta pa ng suspek ang biktima at kapag hindi ito tumatalima ay kinukuryente.
Hanggang sa huling sandali ay nagmakaawa pa ang biktima sa mga suspek na patayin na lamang siya sa pambubugbog bastat huwag lamang itapon ang kanyang katawan sa ilog para marekober pa siya ng kanyang mga magulang. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest