^

Probinsiya

23 nadale ng rabies, 1 dedo

-
CAMP CRAME – Pinaniniwalaang niresbakan ng mga kaluluwa ng asong gala ang dalawamput tatlo na sibilyang nasa kritikal na kalagayan habang namatay naman ang isa makaraang kumain ng karne ng asong gala na may kamandag na rabies sa naganap na insidente sa bayan ng Maasin, Iloilo, kamakalawa.

Si Rolando Carmelita Jr. na siyang nagluto ng kinarneng tatlong asong gala na nakumpirmang may rabies ang unang natodas matapos na kumain ng karne at ipinamahagi pa nito sa kanyang mga kamag-anak at kapitbahay para iulam sa pananghalian.

Napag-alamang unang naging senyales ng biktima na may kamandag ang karne ng asong nakain ay ang paglalaway nito bago tumirik ang mga mata.

Agad naman dinala ang biktima sa rural health clinic sa bayan ng Maasin at kinumpirma ng mga sumuring doktor na may rabies ang kinain nitong karne ng aso.

Sa ulat ng pulisya na isinumite sa Camp Crame, nabatid na kinarne ni Carmelita ang isa sa tatlong asong gala na lingid sa kaalaman nito ay may nakalalasong kamandag (rabies) at ng hindi pa makuntento ay isinunod ang dalawa pang aso.

Ilang oras matapos kumain ng nilutong karne ng tatlong asong may kamandag ay nakaramdam ng matinding pagkahilo ang biktima, bumula ang bibig.at ilang senyales ang lumabas sa katawan.

Patuloy namang inoobserbahan ang 23 pang biktima na nakakain ng karne ng aso upang isalba ang kanilang buhay.

Base sa talaan, umaabot sa 300 hanggang 600 Pinoy ang namamatay sa kamandag ng aso (rabies) kada taon at dahil dito ay ikatlo ang Pilipinas sa may mataas na insidente ng mga nasawi sa rabies noong 2004. (Joy Cantos)

ASONG

CAMP CRAME

CARMELITA

ILANG

ILOILO

JOY CANTOS

KARNE

MAASIN

NAPAG

SI ROLANDO CARMELITA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with