Holdap: Estudyanteng Aleman bulagta
June 14, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Nagmistulang inutil ang kapulisan para masugpo ang lumalalang holdapan sa ibat ibang panig ng bansa matapos na mabiktima na naman ang isang 22-anyos na babaeng estudyanteng Aleman na binaril at napatay ng isa sa apat na armadong kalalakihan sa naganap na holdap sa isang pampasaherong bus sa bayan ng Aloran, Misamis Occidental kamakalawa.
Naisugod pa sa Misamis Occidental Provincial Hospital, subalit idineklarang patay ang biktimang si Analiza Weizmann, matapos mapuruhan ng tama ng bala sa kanang baba na naglagos sa kaniyang leeg.
Sa ulat ng Police Regional Office10, naitala ang insidente sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Mohon, Aloran ng nabanggit na lalawigan.
Nabatid na kasama ng biktima ang iba pang pasahero sakay ng Rural Transit Bus (KVM 608) na minamaneho ni Rolando Esin mula sa Cagayan de Oro City patungong Dipolog City nang holdapin ng apat na armadong kalalakihan.
Ayon sa pulisya, ang mga holdaper ay nagpanggap na pasahero ng bus at pagsapit sa nasabing lugar ay nagdeklara ng holdap.
Habang nililimas ng mga holdaper ang mga personal na gamit ng mga pasahero ay pumalag si Weizmann at tumangging ibigay ang kanyang shoulder bag na naglalaman ng mamahaling cell phone. Bunga nito, nagalit ang mga holdaper at agad binaril ng isa sa mga ito ang dayuhang biktima bago tumakas sa hindi pa malamang destinasyon. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest