^

Probinsiya

Habambuhay sa 3 killer ng Tsinoy trader

-
MALOLOS CITY, Bulacan — Tatlo-katao kabilang ang isang negosyante ang hinatulan ng mababang korte kahapon ng habambuhay na pagkabilanggo makaraang mapatunayang pumatay sa isang Tsinoy trader noong Enero 2004 sa Norzagaray, Bulacan.

Sa 17-pahinang desisyon ni Judge Crisanto Concepcion ng Malolos City Regional Trial Court, Branch 12, kabilang sa mga hinatulang akusado sina Noelito Papung, Rodolfo Lombindencio, at Mary Ann Medina-Uy, may ari ng 5M Plastic Scraps sa Karuhatan, Valenzuela City.

Bukod sa hatol na habambuhay ay pinagbabayad ang mga akusado ng P275,000 bilang danyos perwisyo sa naulila ang biktima.

Samantalang si Ma. Lourdes Olayres na kasamang inakusahan na kasangkot sa pagpatay kay Evan Tan y Luy ay pinawalang sala ng hukuman.

Base sa rekord ng korte, si Tan na nakikipagnegosyo kay Medina-Uy ay dalawang ulit na binaril sa ulo at natagpuang patay sa bahagi ng Barangay Bitungol, Norzagaray, Bulacan noong Enero 10, 2004.

Hindi sana mareresolba ang kaso dahil walang nakasaksi, subalit biglang lumitaw ang isang bading na si Erickson Sunaya sa himpilan ng pulisya sa Barangay Minuyan, San Jose del Monte noong Enero 21, 2004 at ikinanta ang mga akusado.

Sinuportahan naman ni Alona Nanez y Medina na utol ni Medina-Uy, ang pahayag ni Erica nang mag-ulat siya sa himpilan ng pulisya sa Kampo Alejo noon din Enero 21, 2004.

Sa pahayag ng korte, nagsabwatan ang mga akusado sa pagpatay kay Tan sa nabanggit na barangay maliban kay Olayres. (Dino Balabo)

vuukle comment

ALONA NANEZ

BARANGAY BITUNGOL

BARANGAY MINUYAN

BULACAN

DINO BALABO

ENERO

ERICKSON SUNAYA

EVAN TAN

JUDGE CRISANTO CONCEPCION

KAMPO ALEJO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with