Sinabi ni Gov. Maliksi na nararapat na bigyang prayoridad ang pakikipagkasundo sa naturang ahensya upang palakasin at palawakin ang kaalaman ng mga Caviteño laban sa kamandag ng aso.
Layunin din ng nabanggit na kasunduan na matulungan ang mga mahihirap na mamamayan sa Cavite sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng intra-dermal injection ng Active Anti-Rabies Vaccine sa una at huling araw ng pagpapagamot.
Umaabot sa P4,000 hanggang P5,000 ang pagpapabakuna kaya malaking katipiran sa mga maralitang Caviteño ang naturang programa at napili ang GMA Medicare Hospital at DBB Municipal Hospital dahil ito ang may pinakamaraming naitalang may sakit na rabies.
"Nagagalak ako sa suportang ibinibigay ni Gov. Maliksi sa pagsusulong ng programang pangkalusugan ng Cavite. Umaasa ang pamunuan ng PHO na makakamit ng mga Caviteño ang pagkakaroon ng malusog at maliksing mamamayan," Dagdag pa ni Dr. Diez. (Arnell Ozaeta)