^

Probinsiya

Sheriff na kinidnap, nasagip sa Lanao

-
CAMP CRAME – Matagumpay na nailigtas ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Marines (PM), Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Philippine National Police (PNP) ang sheriff na dinukot sa isinagawang operasyon sa Piagapo, Lanao del Sur kamakalawa.

Kinilala ni Col. Ramiro Alivio, commander ng 1st Marine Brigade ang biktima na si Palao Diamla.

Ayon kay Alivio, nailigtas si Diamla makaraan ang masusing negosasyon sa pagitan ng mga abductors nito at ng mga emisaryo ng mga awtoridad.

Bandang ala-1 ng hapon nang iturn-over ng grupo ni Balindong Vice Mayor Lindy Ramos kay Vice Gov. Monera Macabangon ang biktima sa Brgy. Tawaan, Piagapo, naturang lalawigan.

Ang nasabing partido kasama ang biktima ay malugod namang tinanggap ng tropa ng 1st Marine Brigade dakong alas-3 ng hapon. Sinaksihan ni MILF Commander Bravo kasama ang kanyang 60 followers ang nasabing handover ceremony na isinagawa sa himpilan ng 1st Marine Brigade sa Camp Ranao sa Marawi City.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na alitan sa pulitika ang motibo ng pagdukot sa biktima.

Magugunita na ang biktima ay kinidnap ng mga armadong kalalakihan noong nakalipas na Mayo 3 mula sa kalabang partido ng kampo nito sa lalawigan. (Joy Cantos)

BALINDONG VICE MAYOR LINDY RAMOS

CAMP RANAO

COMMANDER BRAVO

JOY CANTOS

MARAWI CITY

MARINE BRIGADE

MONERA MACABANGON

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PALAO DIAMLA

PHILIPPINE MARINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with