^

Probinsiya

Estafa, robbery extortion vs accuser ni Mayor Ilagan

-
Patung-patong na kasong kriminal ang kinakaharap ng isang nag-aakusa ng katiwalian kay Cainta, Rizal Mayor Ramon Ilagan.

Batay sa nakalap na dokumento, nahuli sa isang entrapment operation ng pulisya at kinasuhan si Salvador Francisco ng robbery/extortion sa halagang P3,000 sa Quezon City noong Nob. 28, 2004 sa sumbong ng isang Malah Naamah, ng Tondo, Manila.

Nalantad din ang sangkaterbang paglabag sa anti-boucing check law o batas pambansa 22 na may kabuuang halagang P6,300 ang isinampa kay Franciso ng Almarrose Lending Investor sa Municipal Trial court sa Taytay noong Marso 3, 2004.

Noon namang Nob. 19, 2002 sinampahan din ito ng MAPFRE Asian Insurance Corp. ng paglabag sa anti-bouncing checks law sa halagang P164,903.18 sa isang hukuman sa Makati City.

Isa pang kasong estafa ang isinampa sa RTC Pasig City ni Reylando Santos ng Capital Insurance and Surety Co. Inc. kay Francisco makaraang hindi i-remit ng huli ang koleksiyon nitong premium na halagang P152,377.97 para sa nasabing kompanya.

Kahapon, tinawag ni Pipo Sollman, consultant on special projects ni Ilagan, na kaduda-duda ang pagkatao at sinungaling si Francisco sa pagsasabing inalok siya ng P500,000 kapalit ng pag-aatras ng mga kasong graft laban kina Ilagan at Soliman.

Ibinulgar ni Soliman na si Francisco ang nanghihingi ng malaking halaga at nang hindi mapagbigyan ay binaligtad nito ang pangyayari sa media. Matatandaang inakusahan kamakalawa ni Francisco si Ilagan ng iba’t ibang kasong katiwalian ngunit tinawanan lang ng huli.

ALMARROSE LENDING INVESTOR

ASIAN INSURANCE CORP

CAPITAL INSURANCE AND SURETY CO

ILAGAN

MAKATI CITY

MALAH NAAMAH

MUNICIPAL TRIAL

PASIG CITY

PIPO SOLLMAN

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with