Barangay captain itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isa na namang barangay captain ang iniulat na pinaslang ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Calabad sa bayan ng Dimasalang, Masbate kamakalawa ng gabi. Naisugod pa sa Masbate Doctors Hospital ang biktimang si Ely Tequillo, 32, subalit idineklarang patay. Ayon sa pulisya, si Tequillo ay pababa ng traysikel sa harapan ng kanyang bahay nang lapitan at pagbabarilin ng tatlong hindi kilalang lalaki. Napag-alamang tinamaan ng ligaw na bala ang traysikel drayber na si Alfredo Andeza pero hindi naman malubha. May teorya ang pulisya na mga rebeldeng NPA ang pumatay sa biktima na pinaniniwalaang sumasalungkat sa mga programa ng maka-Kaliwang Kilusan. (Ed Casulla)

Show comments