Ang pagkakadakip sa suspek ay bunsod nang reklamo ng mga biktimang sina ret. Lt. Col. Valentin Dionel, kasalukuyang opisyal ng Air Trasportation Office (ATO); Hector Catan at John Rey na kapwa kawani ng ATO. Ayon kay NBI Asst. Regional Director Vicente De Guzman ng Special Action Unit, inalok na bumili ng Pajero ang mga biktima sa mababang halaga, subalit hindi naman nai-deliver matapos na makapagbayad ang mga biktima sa suspek. Humingi ng tulong sa mga awtoridad ang mga biktima hanggang sa masakote ang suspek. (Danilo Garcia)
Notoryus na swindler nasakote
Nasakote ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Phil. Air Force ang isang 50-anyos na lalaki na pinaniniwalaang swindler na bumiktima sa tatlong kalalakihan kabilang na ang isang retiradong colonel sa isinagawang operasyon sa bayan ng Imus, Cavite. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Conradao Nave ng Tikling 1-C Buenaventura Compound ng nabanggit na bayan.
Ang pagkakadakip sa suspek ay bunsod nang reklamo ng mga biktimang sina ret. Lt. Col. Valentin Dionel, kasalukuyang opisyal ng Air Trasportation Office (ATO); Hector Catan at John Rey na kapwa kawani ng ATO. Ayon kay NBI Asst. Regional Director Vicente De Guzman ng Special Action Unit, inalok na bumili ng Pajero ang mga biktima sa mababang halaga, subalit hindi naman nai-deliver matapos na makapagbayad ang mga biktima sa suspek. Humingi ng tulong sa mga awtoridad ang mga biktima hanggang sa masakote ang suspek. (Danilo Garcia)
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Isa na naman cell site ng Globe Telecoms ang sinalakay at sinunog ng mga rebeldeng New Peoples Army sa Zone 5, Barangay Batang, Pamplona, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Hindi nakapalag ang nag-iisang guwardiya matapos na tutukan ng mga rebelde habang ang iba ay winasak ang bakod at sinunog ang panel box ng nabanggit na cell site. Wala namang iniulat na nasugatan o nasawi sa panibagong pag-atake ng mga rebelde na pinaniniwalaang may kinalaman sa pangingikil ng revolutionary tax sa pamunuan ng Globe Telecoms. (Ed Casulla)
CAVITE Kalaboso ang binagsakan ng mag-utol na Bumbay makaraang ireklamo ng kanilang 17-anyos na maid ng kasong rape sa Barangay Anabu 1, Imus, Cavite kamakalawa. Ang mga suspek ay nasakote dahil sa reklamo ng biktima ay sina Jayvee Singh, 30 at Gary Singh, 27, na pormal ng kakasuhan. Sa ulat ni PO1 Wilfredo Eleazar, nagsimulang halayin ng mag-utol ang biktima noong Abril 18 hanggang Mayo 27, 2006. Nagawang maipagbigay-alam ng biktima sa sariling tiyahin ang insidente matapos na makapag-dayoff sa trabaho. (Lolit Yamsuan)
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Natapos ang maligayang araw ng isang 43-anyos na konsehal ng barangay makaraang bistayin ng bala ng baril habang nakikipag-inuman ng alak sa kanyang pamangkin sa Barangay San Isidro, Tabaco City kamakalawa. Si Felix Monasterial ay naisugod pa sa Ziga Memorial Hospital, subalit idineklarang patay dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo at katawan. Pinaniniwalaang may matinding atraso ang biktima kaya itinumba. (Ed Casulla)