^

Probinsiya

Lolo nilitson ang sarili

- Joy Cantos -
CAMP CRAME – Dahil sa paniwalang pinagtataksilan ng live-in partner ay nagawang sunugin ng isang 62-anyos ang sarili hanggang sa mamatay matapos na gulpihin nito ang kinakasamang babae sa Sitio Kalupihan, Barangay Pundol sa bayan ng Balamban, Cebu kamakalawa ng madaling-araw.

Narekober ang tustadong bangkay ng biktimang si Custodio Tipdas sa kanilang kusina, samantalang nagawa naman makaligtas ang live-in partner na si Norma Dalugdog, 56, matapos na makatakbo nang tangkain ng lalaki na isama ang babae sa loob ng kanilang bahay na nasusunog.

Nauna rito, dumulog sa himpilan ng pulisya si Norma para ireklamo ang live-in partner na nanggulpi sa kanya.

Ayon kay PO2 Ranelito Villarino, si Tipdas ay hiwalay sa tunay na asawa kung saan nagkaanak ang mga ito.

Napag-alamang sa tuwing aalis ng kanilang bahay ang babae at hindi kaagad nakakauwi ay nagagalit si Custodio na pinaniniwalaang nagseselos sa pag-aakalang may ibang lalaking kinatatagpo.

Sa salaysay ng isang konsehal ng barangay, tinangka ni Custodio na hilahin ang babae papasok sa loob matapos na buksan nito ang pintuan upang isama sa naglalagablab na bahay, subalit nakatakbo papalayo.

May teorya ang pulisya na planado ni Custodio na sunugin ang kanilang bahay at isama sa kamatayan ang kanyang live-in partner upang hindi na mapakinabangan pa ng ibang lalaki.

vuukle comment

AYON

BALAMBAN

BARANGAY PUNDOL

CEBU

CUSTODIO

CUSTODIO TIPDAS

DAHIL

NORMA DALUGDOG

RANELITO VILLARINO

SITIO KALUPIHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with