^

Probinsiya

4 naarestong ‘rapist’, pinalaya

-
BATAAN – Apat na tinedyer kabilang na ang anak ng barangay captain na pinaniniwalaang kaalyado ng alkalde na sangkot sa kasong rape ang misteryosong pinalaya ng tatlong tauhan ng pulisya sa bayan ng Hermosa Bataan noong Linggo, Mayo 21.

Kabilang sa mga inakusahan ni Elvira Lapid Manuel, ina ng biktima ay sina PO1 Jane Ponciano, SPO4 Nicanor Leyba at SPO1 Armando Pagapong na nagpalaya sa mga suspek na sina Joey Rivera, Jaymie Tungol, John Erick de Jesus at Boyeth Rivera, samantalang ang pangunahing suspek sa rape case na anak ni Barangay Captain Danilo "Bok" Santos na si Marck Daniel Santos ay hindi inaresto ng pulisya sa hindi nabatid na dahilan.

Base sa reklamo ng biktima, naganap ang rape matapos siyang yayaing manood ng volleyball sa plaza ng kanyang matalik na kaibigang si Jaymie Santos, suspek na naglagay ng pampatulog sa juice.

Sa salaysay ng biktimang 15-anyos, magkakasama silang nagmeryenda ng mga suspek hanggang sa makaramdam nang pagkahilo dahil sa ininom na juice hanggang sa maganap ang maitim na balak.

Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktima, kasama ang mga magulang kaya agad namang dinakip ang mga suspek, subalit ang isa sa suspek na anak ng barangay captain ay ’di inaresto.

Sa panig naman ni SPO4 Leyba, pinalaya nila ang mga suspek dahil sa pawang mga accessories lamang at ang pangunahing suspek na si Marck Daniel Santos, kasalukuyang nakalalaya pa.

Malaki ang paniniwala ng mga magulang ng biktima na naimpluwesiyahan ng mataas na opisyal ng lokal na pamahalaan ng Hermosa, Bataan, ang mga imbestigador na humahawak ng nasabing kaso. (Jonie Capalaran)

ARMANDO PAGAPONG

BARANGAY CAPTAIN DANILO

BOYETH RIVERA

ELVIRA LAPID MANUEL

HERMOSA BATAAN

JANE PONCIANO

JAYMIE SANTOS

MARCK DANIEL SANTOS

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with