^

Probinsiya

Parak dinedo, misis kritikal

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Hindi na sinikatan ng araw at agad na kinalawit ni kamatayan ang isang 38-anyos na tauhan ng pulisya matapos na ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army na ikinasugat naman ng kanyang misis sa Immaculate Concepcion Village, Barangay Lajong, Bulan, Sorsogon, kamakalawa ng umaga. Sapol sa ulo at katawan ang biktimang si PO3 Zapiro Gajor ng 509th Police Provincial Mobile Group, samantalang ginagamot sa Irosin District Hospital si Liza Gojar na nagbalik-bayan mula sa ibang bansa. Ayon kay P/Senior Supt. Joel Regondola, police provincial director, naglilipat ng mga gamit ang mag-asawang Gojar sa bago nilang bahay nang lapitan ng mga rebelde at isagawa ang krimen. (Ed Casulla)
2 patay sa giyera ng 2 angkan
CAMP CRAME – Madugong bakbakan ang sumiklab sa pagitan ng magkalabang angkan na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang sibilyan at ikinasugat ng malubha ng dalawa pa sa bahagi ng Lukk, Sulu kamakalawa. Kinilala ang mga napaslang na sina Gardia Purang at Haropn Tayyah, samantalang sugatan naman sina Salip Muksan Saggad at Joen Misuari na kapwa angkan ng pamilya Abdu. Ayon sa ulat, ganap na alas-4 ng hapon nang magsimulang sumiklab ang mainitang komprontasyon sa pagitan ng grupo nina Salip Abdu Maulana at Berthamin Illih. Rumesponde naman ang mga tauhan ng Sulu Provincial Police Office at 1514th Provincial Mobile Group para magmintina ng seguridad. (Joy Cantos)

AYON

BARANGAY LAJONG

BERTHAMIN ILLIH

ED CASULLA

GARDIA PURANG

HAROPN TAYYAH

IMMACULATE CONCEPCION VILLAGE

IROSIN DISTRICT HOSPITAL

JOEL REGONDOLA

JOEN MISUARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with