Tren vs van1 patay,13 sugatan
May 24, 2006 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Isang ginang ang iniulat na namatay, samantalang labintatlo naman ang sugatan matapos araruhin ng tren ang sinasakyang van ng mga biktima sa bahagai ng San Pablo City noong Lunes ng gabi.
Kinilala ni P/Chief Inspector Romeo Baleros, public information officer ng Calabarzon police ang namatay na biktimang si Letty Mendoza ng Barangay Lolomboy, Bocaue, Bulacan.
Samantala, dalawa sa labintatlong nasaktang pasahero na sina Noel at Romy Edol ay kapwa nasa kritikal na kalagayan at ginagamot sa San Pablo Medical Center.
Ang ibang biktima, kasama na ang isang tatlong taong gulang na bata ay isinugod naman sa St. Francis Hospital.
Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-9:00 ng gabi habang minamaneho ni Alex Hanzol ang isang Hyundai van patungong Maynila nang biglang mahagip ng tren ang kanilang sasakyan.
Ayon sa mga nakasaksi, nakipag-unahan ang drayber ng van sa pagtawid sa junction ng Maharlika Highway sa Barangay 2A nang maabutan at kaladkarin ng tren may ilang metro ang layo mula sa pinangyarihan ng sakuna. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest