^

Probinsiya

3 mag-uutol ikinadena sa babuyan

- Joy Cantos -
CAMP CRAME – Matapos ang ilang taong pagdurusa, matagumpay na nailigtas ng mga operatiba ng pulisya ang tatlong mag-uutol na triplet na lalaki na trinatong parang baboy na ikinadena sa piggery ng malupit nilang magulang sa isinagawang rescue operation sa bayan ng Calatrava, Negros Occidental kamakalawa.

Ang mga biktimang itinago sa pangalang John, Jay at Junjun ay anak ng mag-asawang Cerelo at Teresita Bultron ng Barangay Castellano, Calatrava ng nasabing lalawigan

Base sa ulat, nailigtas ang mga biktima bandang alas-10 ng umaga matapos isuplong sa barangay chairman ng mga kapitbahay na siyang nakipag-ugnayan sa pulisya.

Sa ulat na tinanggap kahapon ng Camp Crame, ang mga biktima na minaltratro ng sariling ama’t ina ay isinailalim na sa kustodya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Gayon pa man, tumakas ang mag-asawang Bultron matapos lumagda sa kasunduan sa DSWD na hindi na nila uulitin pa ang pangma-maltrato sa kanilang mga paslit na anak.

Sa salaysay ng mga kapitbahay ng pamilya Bultron, ang triplet na mag-uutol ay ikinakadena ng kanilang mga magulang sa babuyan kasama ng mga alaga nilang baboy tuwing gabi at sa tuwing aalis ng bahay ang mag-asawa.

Maliban dito, ay tira-tirang pagkain ang ibinibigay sa mga bata na kapag dumaing ng gutom ay sinisigawan pang kumain ng darak o ipa na ipinapakain sa mga alagang baboy.

Nabatid pa na sa kabila ng pitong taon na ang mag-uutol ay halos wala pang sampung kilo ang timbang ng mga ito dahil sa sobrang kapayatan at pawang mga malnourished.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law ang mag-asawa na pinaghahanap na ng mga awtoridad.

ANTI-CHILD ABUSE LAW

BARANGAY CASTELLANO

BULTRON

CALATRAVA

CAMP CRAME

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

MAG

NEGROS OCCIDENTAL

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with