Barangay kagawad tinodas sa inuman
May 21, 2006 | 12:00am
TAYABAS, Quezon Nabahiran ng dugo ang masayang inuman ng magkakamag-anak makaraang ratratin ng magkapatid na nagresulta ng pagkamatay ng barangay kagawad at malubhang pagkakasugat ng anim na iba pa sa Barangay Kanlurang Domoit ng bayang nabanggit, kamakalawa ng madaling-araw.
Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Randy Bolanos, 31, may-asawa, samantalang ginagamot sa ibat ibang ospital ang mga sugatang sina Alexander Bolanos, 32; magpinsang Dennis, 32; at Ringo, 34; Ellen Lleva, 35; at Rodrigo Macaya, 28.
Ilang oras makaraang magsagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ni P/Chief Insp. Romeo Carranza ay nadakip ang mag-utol na suspek na sina Jayson, 25 at Orlando Cuales, 32.
Sa imbestigasyon nina SPO4 Marte Huerto at SPO1 Felecito Labitigan, naitala ang krimen dakong alauna ng madaling-araw habang ang mga biktima ay masayang magdaraos ng "Mayohan sa Tayabas" na magkakasamang nag-iinuman ng alak ang magpipinsan sa tindahang pag-aari ni Ellen Lleva.
Sa pag-aakalang napatay ang mga biktima ay agad na tumakas ang magkapatid na suspek, subalit kinalaunan ay nadakip din.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa ikalilinaw ng motibo ng krimen. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended